hindi ko na alam gagawin ko…bakit ba ganto???

akala ko sa two months na pagkakahiwalay namin…mamimiss ko sya.

yung tipong hahanap hanapin ko sya at babalik ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya dati. Pero hindi pala. Mas narealized ko pa na kailangan ko ng kalayaan. Nung una pa lang I wanted a break up. Pero ayaw niya so ang ginawa na lang namin eh nag cool off kami for two months at ayun nga makalipas ang 2 months nagkita kami. at ayun parang wala lang para sakin. Well nakita ko naman talaga yung effort niya. Pinagluto nya pa ko ng fired chicken. Natouched ako dun syempre kaya kahit sobrang naparame nya yun lagay na paminta ehh inubos ko pa rin. Ayun nga lang sa araw araw mas lalong lumalala yung coldness ko sa kanya. And I feel guilty para sa kanya. Hindi ko kayang tumbasan yung binibigay niyang pagmamahal sakin. At prang kasalanan ko talaga ang lahat. Ayaw ko syang masaktan pero wala na kong maramdaman. Ang tanging naghohold on na lang ehh sya at hindi ko alam kung pano ba to tapusin. Ayaw ko syang masaktan pero mas nasasaktan ko sya kung patuloy lang ang pag papaasa ko sa ko sa knya…

hindi ko na talaga alam gagawin ko…….